'Di ka Spiderman, kaya mag-overtake sa tamang panig ng mga (malalaking) bus
Sa totoo lang, hindi ka dapat nasa parehong lane ng mga bus. Wala kang laban, ka-padyak! Maraming mga study (eto tsaka eto) na nagsasabing mahirap talaga gawing ligtas para sa mga siklista ang pagsasama ng bus at bike lane.
Kung kinakailangan talaga tumabi sa bus, siguraduhin natin na sa panig ng driver ka tatabi (at magoovertake). Kahit papano, mas may chance na mapapansin ka ng driver kung nasa tamang panig or position ka.
Iwasan mo nalang yung bus,
The Padyaker