This will save your life, besh!

This will save your life, besh!

Seryoso si kuya sa kaligtasan. Kahit bus pa tumama sa kaniya, konting talbog lang yan!

'Wag kalimutan ang helmet at iba pang safety practices!

Kung helment lang, kulang. Marami ka pang pwedeng gawin para mas maging safe.

Siguraduhin na maayos ang bike mo

  • I-check ang pressure ng mga gulong
  • Siguraduhin na gumagana ang brakes
  • Gamitin ang headlight sa araw at gabi
  • Maglagay ng tail light at reflectors

Maghanda ng tamang equipment and gamit

  • Sumuot ng high visibility na damit
  • Madala ng emergency repair kit
  • Madala ng ID at extra cash
  • Gumamit ng sunscreen (for real ang skin cancer!)

Umayos ka habang nasa daan

  • Gumamit ng mga hand signals
  • Gamitin ang bike bell
  • Alerto sa mga naka-park na kotse (sakaling biglaan ang pagbukas ng pinto nila)
  • Huwag mag-headphones

For more safety tips, tingnan ang website na ito

Safety first po,

The Padyaker